Biblical Quote

"Oh, that I were in my prime, when God's friendship blessed my home, when the Almighty was still with me and thy children were around me, when milk bathed my footsteps and olive oil flowed from the rocks." --Job 29:4-6.

Thursday, February 16, 2012

Poem: The Returned Mail (re-post)

Dati rati'y minsan lang nakikita
Minamaliit dahil sa antas nila
Sinasadyang apihin pagkatao nila
Para lang sa kaginhawahan ng iba.

Masakit man ay kanilang tinitis
Kahit walang perang maihahagis
Subalit sila'y nangarap at nagsikap
Upang kanilang minimithi'y malasap.

Sa isang iglap buhay nila'y nagbago
Kapansin-pansin paghanga ng mga tao
Ngayon tinitingala na dati'y ibinabaon
Pangarap nilang akala'y hindi uusbong.

Subalit puso nila'y hindi magbabago
At ang pagmamahal nila sa mga tao
Dahil ito ang kanilang kayamanang maibibigay
Sa mga taong nagmamahal sa kanila ng tunay.




No comments: