Biblical Quote

"Oh, that I were in my prime, when God's friendship blessed my home, when the Almighty was still with me and thy children were around me, when milk bathed my footsteps and olive oil flowed from the rocks." --Job 29:4-6.

Friday, February 17, 2012

Mukhang Maihaharap (re-post)

Naglalakad sa dilim
Tanging bituin ang nagniningning
Nakayapak lang ang dalaginding
Umiiyak ang pusong maramdamin.

Walang mukhang maihaharap

Dahil sa karanasang napakasaklap

Gumuho ang kanyang pinapangarap
Kailan ma'y hindi na ito malalasap.
Walang masyadong pinag-aralan
Walang gaanong kamag-anakan
Nawawala ang lahat-lahat
Ng kanyang mahawakan.
Naglakad siya nang naglakad

Hanggang may naaninag na liwanag
Tumakbo siya nang tumakbo
Hanggang siya ay natuto.
Binago niya ang lahat-lahat
Dating pangarap kanyang hinahangad
Sinusubukang ito'y malasap
Upang siya'y may mukhang ihaharap.

No comments: