Biblical Quote

"Oh, that I were in my prime, when God's friendship blessed my home, when the Almighty was still with me and thy children were around me, when milk bathed my footsteps and olive oil flowed from the rocks." --Job 29:4-6.

Friday, February 17, 2012

MAGULANG (re-post)

Araw-araw, gabi-gabi

Lagi sila sa iyong tabi
Kahit pagod pilit ngumingiti
Para lang sa iyong minimithi.


Noong ika'y pinagbubuntis pa lamang
Ikaw ay sagik na inaabangan
Inaabangang makita mo ang kagandahan
Kagandahan ng buhay na bigay ng iyong magulang.
Kaya sila'y nagkakandakuba sa pagtatrabaho
Mabuhay ka lang dito sa mundo
Nagtatrabaho minu-minuto
Maibigay lang nila ang gusto mo.

Kahit magkaroon ka ng konting galos
Para sa kanila ito'y isang unos
Pinupunasan ang mukhang may luhang umaagos
Iyan ang kanilang pagmamahal na walang kapos.
Sana'y pumasok sa isip mo
Pagamamahal ng magulang ay buong buo
Inialay sa iyo buo nilang pagkatao
Walang kapantay na pagmamahal iniukol sa iyo.

No comments: