Biblical Quote

"Oh, that I were in my prime, when God's friendship blessed my home, when the Almighty was still with me and thy children were around me, when milk bathed my footsteps and olive oil flowed from the rocks." --Job 29:4-6.

Friday, February 17, 2012

Hangad (re-post)

Panahon man ang lumipas
At lahat ng bagay ay kumupas
Humina man ang ating lakas
Hindi maalis sa isipan ang nakalipas.

Mga bata noon ay matanda na ngayon
At mga alaala ay malapit nang mabaon
Subukan ninyong muli itong isipin
Makikitang ngayo'y nangyayari pa rin.

Marami na ang nasawi noon
Huwag nang dagdagan ngayon
Naghirap na tayo noon, huwag na ngayon
At sa mga susunod pang mga taon.

Buhay ng bawat isa ay napakahalaga
Sayangin mo ay malaki ang mawawala
Sapagkat ating banal na katawan
Paslangin mo ay malaking kasalanan.

Tanging kapayapaan ay hangad
Huwag naman ipagkait sa lahat
Upang mundo natin ay umunlad
Pagmamahal sa kapwa ang dapat igawad.

No comments: