Biblical Quote

"Oh, that I were in my prime, when God's friendship blessed my home, when the Almighty was still with me and thy children were around me, when milk bathed my footsteps and olive oil flowed from the rocks." --Job 29:4-6.

Thursday, February 16, 2012

Corner (re-post)

     Isang bata ang nakaupo sa isang sulok. Hindi makahinga dahil sa kapal ng usok. Maingay at magulo talagang umiinit na ang kanyang ulo. Tumayo at nakiusap, "tumigil na po kayo!" At siya'y muling bumalk sa sulok. Pumikit at uli idinilat ang mga mata at siya'y sumigaw, "ilaw naman dito!" At muli ang bata ay pumikit subalit hindi na itinuloy ang pagdilat kundi siya'y nakinig na lamang. Nakikinig sa mga boses sa itaas upang malaman ang kasagutan. Ngunit hindi niya maunawaan kaya siya ay tumayo at tumakbo papalayo dahil doon ay magulo.

Photo by: Mio Cade
     Siya'y nadapa at narumihan ang damit na magara. Bumalik siya sa kanyang tahanan, ngunit nasaan? Hinanap niya kung saan-saan ngunit hindi niya na matagpuan hanggang sa katawan niya'y humina na ng tuluyan.

     Ang bata na dating may dalawang paa ngayo'y wala na. Siya'y muling nasa sulok palibot niya'y puno ng usok, marumi pa rin ang damit, walang boses na naririnig, katabi niya'y basura at hindi na maidilat ang mga mata dahil hindi na siya humihinga.

No comments: